Mga Bata (Children)

children.jpg

Sa mundo nang mga bata,
Walang lungkot, walang dusa.
Mga ngiti’y walang daya,
Nagsisilbing ilaw sa pusong nagdurusa.
Ngunit hindi na ako bata…
Puso ko’y mananatiling magdurusa.

(In the children’s world,
there’s no sadness, no pain.
The smiles are not deceiving,
It serves as a light for a dying heart.
But I’m not a child anymore…
My heart will always be in pain.)

13 thoughts on “Mga Bata (Children)

  1. manatili daw maging bata kahit hindi na bata para may buhay.
    salamat po sa link
    refreshing ang makakita ng mga litratong gaya nito 🙂

  2. Tama! Kahit uugud-ugod na at wala nang ngipin, mag-isip bata pa rin tayo para may buhay! (Di kaya masamang tingnan iyon?) 🙂 What the heck, ang importante masaya at mabuhay ang mga isip-bata! he he he

    No problemo, nagustuhan ko lang talaga blog mo. Nakakatuwang basahin. Sana hindi ko kayo nabibigyan nang lungkot sa mga posts ko. Salamat sa pagbisita!

  3. Uy sarap pakinggan na nagustuhan mo ang blog ko, parang hindi totoo lol!!
    nakakatuwa dahil isa lang akong hamak na blogger e mukhang ang galing galing mo 🙂
    mabuhay ka!

  4. He he he! Mukha bang nanggaling sa pinakamataas na uri nang plastic kaya mahirap paniwalaan? Bilib lang talaga ako sa mga taong tulad mo na madaling makapagsulat nang mga bagay-bagay at sa paraan pa na madaling basahin at nakaka-engganyo. 🙂

    Haaa? Ako, magaling? Amateur pa lang po at may hilig lang sa photography pero walang hilig sa akin ang photography! 🙂 Wala nga ako sa dulo man lang nang mga photobloggers sa dakilang web e. Pero salamat po kung nagugustuhan ninyo ang mga posts ko. Balik-balik lang!

  5. actually isa rin akong may hilig kaya lang hindi nabibigyan ng panahon, may mga kuha ako using my handfone at digicam siguro isang araw gawa rin ako ng tulad nito 🙂 tuloy tuloy lang dyan natututo ang mga di gaanong marunong :)pero magaganda mga kuha mo 🙂

  6. Dapat nga ituloy mo one of these days. Walang dapat makapigil sa mga gusto natin, kung
    makakabuti rin lang naman. Meron pala… pera! 🙂 hwe hwe hwe Pero I’m sure di mo
    problema iyan kaya ituloy mo lang, sayang naman ang hilig mo! Malay mo, mauuna
    ka pang photographer kesa sa akin. 🙂

  7. tsa nga pla san di pede mag register,pwede rin ba kong maglagay ng post ko pakitulungan nyu po ako…mag lalagay din ako ng magandang ganyan…

Comments are closed.