
Maglalakbay ka sa ibang lugar,
Magkahalong tuwa at kaba ang iyong nadarama.
Dama ko ang bawat mong agam-agam,
Ngunit tiwalang ito’y iyong mapangingibabawan.
Nais matuwa nang puso ko,
Sa mga pangarap mong unti-unting nabubuo.
Ngunit puso’t isip ko ma’y nasa sa iyo, para sa iyo,
Ang pagmamahal mo nama’y nasa iba.
(You will travel to a different place,
You feel joy and anxiety at the same time.
I can feel your every fear,
But believing you will overcome everything.
My heart wants to be happy,
For slowly reaching your dreams.
But even if my heart and mind is with you, for you,
Your love belongs to another.)