Hanggang sa Muli… (Until Then…)

022207_sunrise_zambal6.jpg

Isasara ang kompyuter
Titigil ng pagkuha ng larawan ang kamera
Hihinto ang paggalaw ng mga kamay
Walang mga letra o katagang isusulat ang bolpen
Iiwan ang mga papel sa mesa
Pagmamasdan ang paglubog ng bawat araw
Mga mata’y hilam sa luha
Puso’y tigib ng pagdurusa.

Hanggang sa muli… kung sisilay pa ang umaga.

(Computer will be close
Camera will stop taking pictures
Hands will stop moving
Pen will no longer write letters or words
Will leave the paper over the table
Will watch every sunsets
The eyes are filled with tears
The heart is full of agony.

Until then… if there will be another morning.)