Paghihintay sa Iyo (Waiting for You)

021607_c_pangasinansunset.jpg

Sa tuwing mararamdaman ang lamig ng umaga
Sa bawat pagsibol ng araw
Bumibilis ang tibok ng puso
Dahil muli kang masisilayan.

Maaga akong dumarating, saan man ang tagpuan
Nakatingin sa iyong daraanan, naghihintay
Umaawit ang paligid sa tuwi kang nakikita
Lumulukso ang puso sa taglay mong kariktan.

Makalipas ang tatlong taon
Maaga pa rin sa tagpuan, nakatingin sa iyong daraanan, naghihintay
Ngunit madilim at hugkag na ang paligid
Umiiyak ang aking puso… nag-iisa.

(Everytime I feel the early morning wind
With every sun rises
My heart beats faster
For I will see you again.

I’m always early, wherever it may be
Looking towards your way, waiting
I hear music everytime I see you
My heart leaps because of your beauty.

After three years
I’m still early, looking towards your way, waiting
But it was already dark and empty around me
My heart is weeping… alone.)