
Eto ang Dimasalang sa Maynila. Tahanan ng Bulaklakan ng Maynila.
Tatlong kalsada ang sakop nito at tingnan kung gaano kadaming tao dito
simula pa noong Pebrero 12 hanggang 14 para sa Araw ng mga Puso.
(This is Dimasalang in Manila. Home of the Flower Garden of Manila.
It covers three streets and see how many people are buying
since February 12 to 14 for the Valentines Day.)
Mga rosas na iba’t ibang kulay.
(Different color of roses.)
Ang mga nakahandang mga bulaklak na kay gaganda ng ayos.
Mula sa pinakasimpleng ordinaryong rosas hanggang sa
pinakamahal na bulaklak mula pa sa ibang bansa
ang binebenta dito at bukas ito 24-oras araw-araw.
(The beautiful flowers that are being displayed.
From the simplest and ordinary roses to the
very expensive imported flowers and they are
open 24-hours every day.)
May libreng pag-aayos ng mga bulaklak kapag bumili
ka ng higit sa tatlong piraso.
Magagaling mag-ayos at naka-shades pa! 🙂
(Free flower arrangement when you buy
three or more pieces.
They are good and with matching shades! :))
May mga ibang nilalagyan pa ng stuff toys, lobo at kung anu-ano pa
sa presyong P2,500 para sa mga may kaya.
(There are people who put stuff toys, balloons, etc.
for the price of P2,500 for those people who can afford.)
Mickey Mouse ang tawag nila dito dahil sa hugis nito
pero ito ay isang klase ng bulaklak at ginagawang dekorasyon.
(They call it Mickey Mouse because of the shape
but it’s a kind of flower and use as a decoration.)
Sari-saring edad nang mga tao ang bumibili ng bulaklak
para sa mga mahal nila sa buhay tuwing Araw ng mga Puso.
Mula sa pinakabata at estudyante, sa mga nagkokolehiyo at…
WOWWW! sa mga bata pa ang puso! 🙂
(Different age brackets are buying flowers
for their loved ones during Valentines Day.
From the youngest and students, college students and…
WOWWW! for the young at heart! 🙂
May mga babae din para kunwari, may nagbigay! he he he! 🙂 Biro lang!
There are also women, to pretend that someone gave it to them! he he he! 🙂 Joke!)
Sa kahit anong paraan, ang Pilipino ay
maalalahanin at mapagmahal.
Maging mapagmahal sa araw-araw, hindi lang sa araw na ito.
Maligayang Araw ng mga Puso!
(In any way possible, Filipinos are
thoughtful and loving.
Show your love every single day, not just today.
Happy Valentines Day!)