Pagbabago (Changes)

010507_waterflow.jpg

Sabi sa akin, pagbabago lamang ang permanente sa mundo.
Tulad nang agos… dumadaloy.
Ngayo’y nandyan, maya-maya’y malayo na.
Lahat nang madaanan, maaaring sumabay, manatili sa agos,
Ngunit ang iba’y dahan-dahang nag-iiba… lumilihis nang daloy.
Malalaman mo na lang kapag naglaho na nang tuluyan.

(They told me, changes are the only permanent thing in this world.
Like the waves… flowing.
Now it’s here, after a while, far away.
Anything can stick to the tide,
But others are changing… shifting its flow.
You’ll just know it when it’s finally gone.)