Liwanag (Light)

051007_moon.jpg

Living Inside Myself, Gino Vannelli

[audio:http://sapot-litrato.philsites.net/MEDIA/Living Inside Myself.mp3]

Mistula akong isang maliit na bituin
at ikaw ang araw na nagbibigay liwanag sa akin.
Ngunit sa tuwing darating ang buwan,
buong liwanag ng araw ay sa kanya nababaling.

Sadya bang maghahari ang buwan sa dilim ng gabi
upang angkinin ang liwanag ng araw?
O tulad ng pabago-bagong anyo nito’y
animo naglalaro sa liwanag na dulot niya.

Naglaho man ang idinudulot mong liwanag sa akin,
ang mga munting kislap na naiwa’y iingatan.
Nanaising mamanglaw ang aking ilaw,
huwag lamang dumilim ang liwanag ng mahal na araw!

(I am like a small star
and you are the sun that gives me light.
But whenever the moon comes,
all of the sun’s light is turned to him.

Will the moon forever reign over the darkness of night
and possess the light of the sun?
Or perhaps, like its changing shapes,
it only plays with the light the sun brings.

Though the light you have brought me has vanished,
the small flickers it has left behind, I will cherish.
I would rather desire that my light grow dim,
than for the light of the beloved sun to fade!)

2 thoughts on “Liwanag (Light)

  1. Oh, I love Gino Vannelli!

    I’m missing a lot of the music I used to listen to in my youth. Marami dito ay parang nabaon na sa limot gawa ng aking pagiging abala sa pamilya. Lately na lang uli ako nagkakaroon ng chance na makinig sa music. Nagsisisi nga ako kasi at ipinamigay ko ang mga viny LP records collections ko, dami! From Pink Floyd, Led Zep to Michael Franks, to Grover Washington,Jr. to the Beatles. Gusto ko sanang makabili ngayon ng CD albums ng mga artists na paborito ko noong araw. Siguro, sa birthday ko, yun ang regalo ko sa sarili. 🙂

    Ganda ng litratong ito, LAR!

  2. Okay lang iyon, family naman talaga ang una. Pero at least, ngayon may time ka na kahit papano. Magaganda talaga ang mga music noon. Well, marami ding maganda ngayon pero noon kasi, kaunting lyrics, malalim ang meaning. At saka beatle fanatic ako! 🙂 Sayang naman ang mga LP mo. Alam mo bang kung may chance lang ako, mas maganda ang LP talaga. Gagaling naman ng collections mo, sayang talaga. Kuha ka na lang sa P2P. Dami don para di ka na bumili. Blank CD na lang. 🙂

    Salamat at nagustuhan mo. Iyan ang isa sa mga paborito ko e. 🙂

Comments are closed.