Â
Mabuti Pa Sila, Gary Granada
[audio:http://sapot-litrato.philsites.net/MEDIA/Mabuti Pa Sila.mp3]
Isa sa mga paborito kong Pilipinong mang-aawit si Gary Granada. Simple, nakatutuwa ang mga awitin ngunit makahulugan ang bawat kanta. Isa itong kantang ‘to sa mga pinakagusto ko at nanalo ito sa 1998 Metro Pop Music Festival. Ang kuha sa itaas ay nagmula sa Gary Granada’s Profile site.
One of my favorite Filipino Artist is Gary Granada. His songs are Simple, funny but full of meaning. One of the songs he wrote won the 1998 Metro Pop Music Festival and I like this song very much. The picture above was taken from Gary Granada’s Profile site.
* Sorry for non-Tagalog readers.
MABUTI PA SILA
Titik (Words) & Musika (Music) by GARY GRANADA
1998 Metropop, 1998
Mabuti pa ang mga surot, laging mayrong masisiksikan
Mabuti pa ang bubble gum, laging mayrong didikitan
Mabuti pa ang salamin, laging mayrong tumitingin
Di tulad kong laging walang pumapansin
Mabuti pa ang mga lapis, sinusulatan ang papel
At mas mapalad ang kamatis, maya’t maya napipisil
Napakaswerte ng bayong, hawak ng aleng maganda
Di tulad kong lagi na lang nag-iisa
Ano ba’ng wala ako na mayron sila
Di man lang makaisa habang iba’y dala-dalwa
Pigilan n’yo akong magpatiwakal
Mabuti pa ang galunggong nasasabihan ng ‘mahal’
Kahit ang suka ay may toyo at ang asin may paminta
Mabuti pa ang lumang dyaryo at yakap-yakap ang isda
Mabuti pa sila, mabuti pa sila
Di tulad kong lagi na lang nag-iisa
Mabuti pa ang simpleng tissue at laging nahahalikan
Mabuti pa ang mga bisyo, umaasang babalikan
Mabuti pa sila, mabuti pa sila
Di tulad kong lagi na lang nag-iisa
(Interlude)
Pigilan n’yo akong magpatiwakal
Bakit si Gabby Concepcion lagi na lang kinakasal
Mabuti pa ang mga isnatser, palaging may naghahabol
Ang aking luma na computer, mayron pa ring compatible
Mabuti pa sila, mabuti pa sila
Di tulad kong lagi na lang nag-iisa